Imbak para sa Defrag

Personal Maintenance

Posted in Listo Tips with tags , , on Hulyo 3, 2009 by badong

Tulad ng isang workstation
Tayo din eh kailangan eh maintain

Kung meron kang virus (sakit)
Kailangan mo ng anti virus (gamut)

Nuong bata ka pa eh naka trial version ka pa lang
Pero eventually kailangan mong magupgrade (tuli at unang period)

Kung sa computer mo eh maraming temp files na

Simple lang ang jumingle sa public urinal
Kailangan lang alam mo kung ano ang mga acceptable
At unacceptable behavior bilang user ng human maintenance area

Pagkadumarami na ang problemahin mo sa buhay
Makakatulong kung magdefrag at magrelax magkaroon ng direction sa buhay

Minsan maski gaano kaganda ang makina mo
Mabagal pa rin ang takbo
Dahil na rin to sa kung ano anong shit na ininstall mo
O kaya eh hindi maayos ang pagkakasetup
Ganuon din sa buhay
Marami kang baggage
At wala ka sa tamang hulog.

Pinakaimportante
Ugaliing Magbura ng temp file at recycle bin para lalong bumilis ang makina
Gnauon din sa buhay, kailangan magbawas ng sobrang temp files sa katawan
At wag mo lang isaksak sa recycle bin, kailangan mo ding i-flush para talagang permantenly deleted na.
At Kung nahihirapan kang magpurge,
Gamitan lang suppository o dalawang basong gatas
tyak yon