Imbak para sa Banyo

Safety Bar

Posted in Gadget with tags , , , , on Hulyo 5, 2009 by badong

Safety Bar

Yan ang tinatawag na extra durable anti-almuranas bar.
Para sa mga araw na nasobrahan ka sa coke,
meron kang mahahatak na katulong sa pagtulak

actually, sa mga di nakakaalam, iyan ay isang safety handle
para sa mga naka weelchair.

Actually, medyo late ko na ring napick up kung ano yan
dahil di naman nagkalat sa atin yan.
In fact, marami sa mga pinupuntahan kong inuman eh
pader o aluminum lang, patos na. Kung swertehen ka eh
meron iyung manipis na pvc na may mga butas para pagdaluyan ng
tubig.

Kung ilalagay mo sa mga banyo sa atin yan,
ang magiging biggest customer nyan
eh iyung mga madalas pulikatin sa banyo.
Iyan iyung nagooccuppy ng cubicle
na pagkasinilip mo eh hindi kita iyung mga paa.
(sana lang wag dumulas)

Urinal Etiquette 102: Proper Exit

Posted in Listo Tips with tags , , , , on Hulyo 2, 2009 by badong

Using the same examples as 102
ganito naman ang tamang pag exit

  1. Ikaw lang ang tao sa banyo
    cra

    Kaw na bahala. lahat naman pwede. wala namang makakakita
    sige na, subukan mo na ang miss universe walk na sa kwarto mo lang ginagawa
    di namin pagsasabi, pramis

  2. May occupant sa kabilang dulo
    crb

    umikot ng pabaliktad sa katabi. Kung asa kaliwa mo ang katabi mo umikot ka ng clockwise.
    kung asa kanan naman eh counter clockwise.
    iwasang magkamali para hindi ka mabigla kung may nakaturo sayo

  3. May occupant sa pinakamalapit na urinal.
    crc
    see above.

  4. sandwiched urinal
    crd

    atras muna bago umikot
    kung trip mo eh magbeeping sound ka pa para wala kang maatrasan
    o kaya eh maghum ka ng fur elise

Urinal Etiquette 101

Posted in Listo Tips with tags , , , , , on Hulyo 2, 2009 by badong

Ang banyo ay Katulad ng iba’t ibang public facility
na merong acceptable at unacceptable behavior.
Hindi sya documented pero ang lahat ay may idea
ng iba’t ibang paggamit nito.

Susubukan kong ilabas ang mga inherent na norms na ito
at nawa eh maging gabay sa yong susunod na paggamit.

Maraming pwedeng isulat tungkol sa norms sa banyo
Pero pasikipin muna natin ang scope at iconcentrate sa male urinal.

Ang target audience

  • Mga lalakeng hindi sanay sa urinal
  • Lalakeng sanay sa urinal pero parati pa ring nababasa
  • Mga babaeng nagpapaaparang lalake
  • Mga lalakeng mukhang babae na napilitang magurinal dahil puno sa cubicles
  • Mga bagong lalake

Inaasahang objective:

  • Matutong gumamit ng urinal para hindi:
    • Mabasa
    • Makaistorbo dahil sa ingay
    • Mangbwakaw ng pwesto
    • Matilamsikan
  • Para hindi mapagkamalang nangboboso at mapaaway
  • Para hindi madevelop sa katabi sa urinal
  • Para cute

Approaching the urinal
Ang mga sumusunod at iba’t ibang scenario sa pagpwesto sa urinal.
Sa baba nito ay ang expected behavior o tips para sa mas maayos na experience sa banyo.

  1. Ikaw lang ang tao sa banyocr1
    Kung ikaw lang ang tao sa banyo, dumiretso lang sa gusto mong pwesto. maski magtatumbling ka pa eh ok lang.
    wag lang tumambling habang jumijingle
  2. May occupant sa kabilang dulocr2
    Without eye contact eh dumiretso ka na sa pinakamalayong urinal sa kabilang occupant. Siguraduhing manggagaling ka sa pinakalikod ng banyo para hindi mo makita ang side view ni manoy
  3. May occupant sa pinakamalapit na urinal.
    cr3

    dirediretso lang ng lakad, pero wag masyadong malapit sa jumijingle. more or less lagpasan mo muna sya bago ka dumescend papunta sa cubicle. siguruhin lang na may isang tao ang pagitan ninyong dalawa. kung mas lumapit pa eh invading the personal space ka na pogi.

  4. sandwiched urinal
    cr4

    lakad lang hanggang sa dumating ka sa gitna nilang dalawa. tapos dahan dahan kang dumiretso sa urinal. diretso lang ang tingin. isipin mo na lang eh asa sm carpark ka.

ano mga situation, laging tandaan:

  • avoid eye contact
  • diretso or pataas lang ang tingin
  • wag aalialigid ang mata
  • iwasan makipagkwentuhan, mahirap jumingle nang nagsasalita

itutuloy