Archive for the Gadget Category

Safety Bar

Posted in Gadget with tags , , , , on Hulyo 5, 2009 by badong

Safety Bar

Yan ang tinatawag na extra durable anti-almuranas bar.
Para sa mga araw na nasobrahan ka sa coke,
meron kang mahahatak na katulong sa pagtulak

actually, sa mga di nakakaalam, iyan ay isang safety handle
para sa mga naka weelchair.

Actually, medyo late ko na ring napick up kung ano yan
dahil di naman nagkalat sa atin yan.
In fact, marami sa mga pinupuntahan kong inuman eh
pader o aluminum lang, patos na. Kung swertehen ka eh
meron iyung manipis na pvc na may mga butas para pagdaluyan ng
tubig.

Kung ilalagay mo sa mga banyo sa atin yan,
ang magiging biggest customer nyan
eh iyung mga madalas pulikatin sa banyo.
Iyan iyung nagooccuppy ng cubicle
na pagkasinilip mo eh hindi kita iyung mga paa.
(sana lang wag dumulas)

The ultimate pinoy gadget

Posted in Gadget with tags , , , , on Hulyo 11, 2008 by badong

heto na yata ang pinaka sikat at pinakauseful na gadget na nakita ko
presenting, ang maasahang tenggeltutuli

ang tenggeltulili (di talaga ito pangalan nya, di ko lang maalala) ay mabibili sa inyong local na palengke at sarisaring nanininda ng kariton.

ang kakaibang gadget na ito ay mas mahusay pa sa cottonbuds at lalong mas mahusay sa hinliliit ninyo (pinky fingers, di nga)

dahil sa innovative design ng pagkakagawa, para mo na ring pinapala at kinukutkot ang tenga mo gamit ang pinpoint precision na maski hindi mo nakikita ang tenga mo eh siguradong may makukuha kang kayamanan.

gamitin ang tenggeltutuli lalo nat bago ligo at mamasa masa pa at madiling makuha ang kinukutkot